Friday, December 25, 2009
Long long distance love affair, I can’t find you anywhere woooh oh, nice song huh? but waaaiiit!. LONG DISTANCE RELATIONSHIP?!.. di ba yun yung magkalayo ang nagmamahalan sa isa’t isa? yan rin yung hindi mo nakakasama yung mahal mo di ba?. sino nga ba naman ang may gusto ng ganyang klaseng relasyon? well, siguro meron ring mga tao na gusto ganito. pero i assure na mas marami ang ayaw ng LDR. malamang hindi naman kumpleto ang relasyon kung hindi mo nakakasama ang mahal mo. yung bang pag may problema ka siya yung kakampi mo o kaya naman lagi siyang nandyan para pasayahin ka. lalo na kunwari kapag malamig ang pasko siya ang yayakap sayo. oh di ba mas maganda pag kasama mo taong mahal mo. well para naman sa mga taong gusto ng LDR eh sa totoo lang wala akong maisip na dahilan kung ba’t gusto nila ng ganitong relasyon. eh siguro mas matetest nila ang strength ng relationship nila kapag magkalayo sila sa isa’t isa. siguro nga ganon nalang naiisip nila kaya gusto nila ng LDR. pero hindi naman ibig sabihin na kung nakakasama mo yung taong mahal mo TRUE LOVE na yun di ba?. eh pano kung nakakasama mo nga minsan tapos yun pala pag hindi mo na siya kasama eh iba na yung kasama niya *sakeet XD*. oo nakakasama mo nga eh hindi lang naman pala ikaw ang girlfriend/boyfriend niya. you see pwedeng mangyari yung mga ganito di ba?. oo siguro iniisip mo kapag LDR mas malala pa ang mangyayari. pwede nga naman na mas malala. pero siguro konsensya nalang din nung tao. tsaka di ba ang tao pag nainlove eh kala mo ginayuma kasi kahit anong klase ng relasyon eh kinakaya *prang walang sense XD*. sa totoo lang hindi mo naman na talaga mapipigil ang tao kung inlove siya. yung bang kahit alam niyang may ibang syota ang syota niya hala sige mahal niya parin. ayun tuloy tawag sa kaniya tanga. yung iba naman kahit pinagsabihan na ng magulang na bawal ka magka gf/bf. hala ayun nakikipag chat/text sa syota niya minsan pa nga nagwewebcam pa sila :)). haaaay! ang umiibig nga naman walang pakealam sa paligid kahit suwayin na niya ang mga magulang niya eh iibig at iibig parin. so actually gusto ko lang sabihin na hindi nakadepende ang ganda ng takbo ng relasyon sa kung anong klaseng relasyon meron sila kung legal, patago, LDR, walang nakakaalam, net at text lang ang komunikasyon yadda yadda yadda… kung di, depende na sa nagmamahalan yun.
~siguro kahit onti eh meh point ako hahaha!~
|end|
PAHABOL : ang tamaan huwag magalit. kung galit ka eh di sige ikaw na galit hahaha
~siguro kahit onti eh meh point ako hahaha!~
|end|
PAHABOL : ang tamaan huwag magalit. kung galit ka eh di sige ikaw na galit hahaha
0 Comments:
Subscribe to:
Post Comments (Atom)




