there's only 1 thing 2 say those 3 words and that's what I'll do
I LOVE YOU

Friday, December 25, 2009

mga kantong madilim :)

UNANG KANTO:
Naalala ko kapag summer pumupunta kame sa dike lagi kasi nga malakas signal doon :)) pero siyempre pumupunta kame roon para umiwas sa sermon ng anghel na may sungay kong tita :). Tapos noong pauwi na kami dumaan kame sa shortcut para mabilis kaming makauwi dahil baka masaniban nanaman ang aking anghel na tita. Kaso nga lang problema madilim yung kantong yun siyempre nakakatakot baka may mumu haha o kaya may nagiintay na kababalaghan doon. Tapos nung naglakad na kami ginamit nalang namin na ilaw yung cellphone ng pinsan ko kasi no choice kami. Habang nasa kalagitnaan ng aming paglalakbay biglang may tumahol na mga aso. Eh di syempre akala namin mabaet kaya hindi namin pinansin hanggang sa sinundan kami ng sinundan. Dahil nairita ang aking makulit na pinsan na walang ibang alam kung hindi ang ipahamak kami binato niya yung aso. Siyempre ano pa ba ang nangyari tumahol at hinabol kami hanggang bahay ngunit maswerte ako dahil walang nawala sa akin dahil nalaglag ng aking pinsan ang cellphone niya at naapakan ng kaniyang sariling mga paa samantalang yung isa kong pinsan namumula ang isang paa dahil tumakbo siya ng wala ang kaniyang isang tsinelas. Nakakatakot ang itsura nung aso kase naglalaway na gusto na kaming gawing panghapunan niya. At simula noon hindi na namin tinahak ang kantong ito at syempre hindi na namin sinama ang napakatino kung pinsan.


LESSON : wag dumaan sa shortcut na walang ilaw dahil tanga lang ang gagawa nito at kami yon. :)

========

Ito pa ang isang kapanapanabik na kwento ng mga kanto.

IKALAWANG KANTO:
Noong pagkatapos bumisita si pareng ondoy sa aming village ay nagdesisyon kami ng aking mga pinsan na pumunta sa simbahan para tanungin sa nagbabantay kung totoong namatay ang dalawa naming tagapagturo sa PREX. Dahil gabi na kaming naglakbay papuntang simbahan at tinatamad kaming maglakad tinahak nanaman namin ang shortcut papunta roon. Hindi na kami nag-isip na may mangyayari ulit na hindi kanaisnais dahil may ilaw naman ang kantong ito. Sa kalagitnaan nanamn ng aming paglalakbay biglang namatay ang ilaw sa kantong ito. At ang masaklap nasa tapat kami ng bahay kung saan kumalat ang balita na pinatay ng padre de pamilya ang kaniyang mga anak at asawa at nilagay na lamang niya sa sako ang mga katawan atsaka itinapon sa bakanteng lote pero dahil nga naman sa karma ay nalunod siya sa baha. Dahil wala na ni isa ang nakatira sa bahay na iyon at napalibutan pa ito nga isang matayog at malaking puno ng mangga at isang malawak na bakanteng lote hindi kami nagdalawang desisyon na tumakbo ulit ng matulin. Dahil sino ba namang hindi matatakot sa ganoong sitwasyon may kapre na nga sa mangga hahabulin ka pa ang isang masayang pamilyang duguan. Pag-uwi namin ay sinipag na kaming maglakad dahil ayaw na naming dumaan sa kantong iyon kahit shortcut pa iyon.

LESSON: wag tamaring maglakad

---------
sana ay matuto na rin kaming magpipinsan pero kahit ganoon ang mga nangyari experience parin naman masaya at mapapmura ka talaga habang tumtakbo ( ako iyong nagmura =)) )

| end |

0 Comments:

Post a Comment